Ang mundo ay malawak. Sa lahat halos ng lupalop nito ay may bansang matatagpuan. Ang bawat bansa ay may sariling teritoryo o nasasakupan. Maituturo mo ba ang Pilipinas sa mapa o sa globo? Masasabi mo ba agad ang lawak at hangganan nito? Mahalaga bang malaman mo ang hangganan at lawak ng teritoryo ng ating bansa?
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pangunawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang heograpikal gamit ang mapa.
Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon ng bansa.
Pamantayan sa Pagkatuto
Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
- Natutukoy ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa.