This is the Araling Panlipunan 10 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 5: “Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan” (steps in building a community-based disaster risk reduction and management plan). It was prepared by DepEd Region I as a First Edition, 2020 Alternative Delivery Mode module for Grade 10 learners studying at home. It is planned for the seventh and eighth weeks of the quarter. By the end, learners should be able to draft a CBDRRM Plan for their own barangay or neighborhood.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module targets this most essential learning competency (MELC5): “Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan” (carries out the proper steps of a CBDRRM Plan).
After the module, learners are expected to:
- Analyze the concepts and factors that matter when assessing what a disaster can cause
- Explain why it is important to be ready for disasters
- Identify how citizens should respond during a disaster
- Carry out activities that prepare for making a CBDRRM Plan
- Create a CBDRRM Plan based on the situation of their own community
Topics in this module
The module explains CBDRRM as an approach in which communities facing hazards take an active part in identifying, analyzing, responding to, monitoring, and evaluating the risks they may face. The lesson is divided into the four phases (yugto) of preparing a CBDRRM Plan.
| Week | Topic | Phase |
|---|---|---|
| Week 7 | Paksa 1 | Unang Yugto: Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad (disaster prevention and mitigation) |
| Week 7 | Paksa 2 | Ikalawang Yugto: Paghahanda sa Kalamidad (disaster preparedness) |
| Week 8 | Paksa 3 | Ikatlong Yugto: Pagtugon sa Kalamidad (disaster response) |
| Week 8 | Paksa 4 | Ikaapat na Yugto: Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad (disaster rehabilitation and recovery) |
The four phases of a CBDRRM Plan
Phase 1: Disaster prevention and mitigation
This phase comes first because planners must know what the hazards are, who and what could be harmed, and whether the effects can be prevented or reduced. It has four assessments:
- Pagtataya ng Panganib (hazard assessment): identifying the nature of a hazard, the damage it can cause, and how to manage it. Guide questions ask what hazards the area faces, where they come from, who may be affected, when they may happen, how severe they may be, and whether the community can respond. Two methods are hazard mapping (mapping areas and elements at risk, such as infrastructure, farms, and livelihoods) and a timeline of events (listing past events to see which hazards happened, how often, and which caused the most damage).
- Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan (vulnerability assessment): citing Anderson and Woodrow’s Rising from the Ashes (1990), the module groups vulnerability into physical or material, social, and attitudes toward hazards. Planners look at elements at risk, people at risk (such as pregnant women, persons with disabilities, the elderly, and children), and where people at risk live, for example low-lying areas prone to flooding or foothills prone to landslides.
- Pagtataya ng Kapasidad (capacity assessment): checking the community’s ability to face hazards, using the same three categories: physical or material, social, and citizens’ attitudes.
- Pagtataya ng Peligro (risk assessment): the systematic gathering of data that falls under mitigation. Mitigation is either structural (cleaning clogged canals, deepening rivers, building dikes, earthquake-proof buildings) or non-structural (disaster plans, public information, and programs). The module sums this up as “Ligtas ang may alam” (those who know are safe).
Phase 2: Disaster preparedness
This covers what citizens, communities, and government do before a disaster strikes, including warnings and reminders. Its three main goals are to give information, give advice, and give instructions, such as steps to follow, safe places to go, and agencies to contact.
Phase 3: Disaster response
Here the extent of damage is assessed so needs can be met. The module describes three assessments:
- Needs assessment: basic needs of victims such as food, shelter, clothing, and medicine
- Damage assessment: the extent of damage to infrastructure and houses
- Loss assessment: temporary or long-term loss of services or production, such as destroyed crops
Phase 4: Disaster rehabilitation and recovery
The main aim is to return affected communities to their normal way of life. Priorities include restoring communication and transportation, repairing houses, providing basic needs, and supporting damaged livelihoods, with the participation of citizens, NGOs, and other sectors.
How to use this module
The module asks learners to write all answers on separate paper and not to mark the module. The parts follow this order:
- Subukin: a 15-item multiple-choice pretest (Gawain 1)
- Balikan: a chart comparing the top-down and bottom-up approaches from the previous lesson (Gawain 2)
- Tuklasin: a crossword puzzle on key terms (Gawain 3)
- Suriin: reading on the four phases, a concept description task (Gawain 5), and a summary of the disaster management cycle (Gawain 6)
- Pagyamanin: making a brochure about one hazard in your community, scored out of 20 points (Gawain 7)
- Isaisip: completing sentences about each phase (Gawain 8)
- Isagawa: acting as Sangguniang Kabataan chairman and drafting a CBDRRM Plan for your barangay, scored out of 50 points (Gawain 9)
- Tayahin: a 15-item post-test (Gawain 10)
- Karagdagang Gawain: an essay on discipline and cooperation during disasters (Gawain 11)
For learners: take the pretest honestly, note the items you miss, and look for the answers as you read. Contact your teacher if a part is hard to understand.
For parents: the module states that it comes with a teacher’s or facilitator’s guide with tips for helping your child at home.
For teachers: an answer key for the pretest, post-test, and crossword is included at the end, along with rubrics for the brochure and the CBDRRM Plan.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 10 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 5. It is planned for the seventh and eighth weeks of the quarter.
What are the four phases of a CBDRRM Plan?
In order, they are disaster prevention and mitigation, disaster preparedness, disaster response, and disaster rehabilitation and recovery.
What does CBDRRM mean?
CBDRRM stands for Community-Based Disaster Risk Reduction and Management. The module describes it as an approach where communities at risk actively take part in identifying, analyzing, responding to, monitoring, and evaluating the hazards they may face.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the post-test, and the crossword puzzle.
What is the main performance task?
Learners play the role of Sangguniang Kabataan chairman and draft a CBDRRM Plan for their own barangay or neighborhood. It is scored on suitability, content, presentation, and practicality for a total of 50 points.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan
10
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan
[illustration: students and a teacher learning outdoors under a tree and at a table, with a globe and a child reading by lamplight]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad’.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Gina P. Banogon Editor: Francisco P. Casipit, Jr., Rey B. Pascua, Jose Gerardo R. Garcia, Maricel N. Guerrero, Elisa R. Ranoy, Melchor E. Orpilla, Cynthia B. Tablang Tagasuri: Editha T. Giron, Orlando I. Guerrero, Gina A. Amoyen, Edgar L. Pescador, Ronald P. Alejo, Eric O. Cariño, Aurelio C. Dayag, Jr., Evangeline A. Cabacungan, Rowena R. Abad Tagaguhit: Richard B. Isidro Tagalapat: Jestoni H. Amores, Mary Ann L. Cabilan, Aldrin R. Gomez Tagapamahala: Tolentino G. Aquino, Wilfredo E. Sindayen, Arlene A. Niro, Ronald B. Radoc, Gina A. Amoyen, Orlando I. Guerrero, Editha T. Giron
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education- Region I
Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 607-8137 / 682-2324 E-mail Address: region1@deped.gov.ph
10
Araling Panlipunan Unang Markahan- Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sa kasalukuyan, isinusulong ang Community Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM) Approach sa pagbuo ng mga plano at polisiya sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.
Ang CBDRRM ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng panganib at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay at pagtataya ng mga peligro na maaari nilang maranasan.
Ang modyul na ito ay inihanda upang matulungan kang magkaroon ng malawak na kaalaman sa iba’t ibang hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan.
Ang mga paksa at mga gawain sa modyul na ito ay inihanda upang magabayan ka at magkaroon ka ng kakayahan na bumuo ng epektibong CBDRRM Plan ng iyong komunidad na kinabibilangan.
Ang CBDRRM Plan ay mahalaga upang mabigyan nang maayos na paghahanda at pagtugon sa anumang panganib na maaaring maranasan ng iyong komunidad. Sa pamamagitan ng pagbuo ng plano alinsunod sa mga hakbang na nailahad sa modyul na ito ay iyong mauunawaan ang kahalagahan ng CBDRRM Approach para sa mas epektibong pagtugon sa panahon ng panganib.
Nakatuon ang modyul na ito sa Aralin 5 na tutukoy sa Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management Plan. Ito ay nahahati sa apat na yugto sa paghahanda ng CBDRRM Plan:
Ika-pitong Linggo
Paksa 1: Unang Yugto: Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad
- Paksa 2: Ikalawang Yugto: Paghahanda sa Kalamidad
Ika-walong Linggo
- Paksa 3: Ikatlong Yugto: Pagtugon sa Kalamidad
- Paksa 4: Ikaapat na Yugto: Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan (MELC5)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
- Nasusuri ang mga konsepto at salik na mahalaga sa pagtataya sa mga maaaring maidulot ng disaster.
- Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging handa sa disaster na maaaring maranasan ng tao.
- Natutukoy ang tugon na dapat gawin ng mamamayan sa panahon ng sakuna o disaster.
1 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5
- Naisagagawa ang mga gawain bilang paghahanda sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan.
- Nakabubuo ng CBDRRM Plan batay sa kalagayan ng sariling komunidad.
Subukin
Iyong sagutin ang panimulang pagtataya upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagot nang wasto at sikaping alamin ang tamang sagot habang isinasagawa ang mga kasanayan ng mga aralin sa modyul na ito.
Gawain 1: Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot gamit ang iyong sagutang papel.
Ang yugtong ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayong maibalik sa dating kaayusan ng pamumuhay sa mga nasalantang komunidad.
- A. Paghahanda sa Kalamidad
- B. Pagtugon sa Kalamidad
- C. Rehabilitasyon sa Kalamidad
- D. Paghadlang sa Kalamidad
Isinasagawa ito upang matukoy ang kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad.
- A. Pagtataya ng Kapasidad
- B. Pagatataya ng Peligro
- C. Pagtugon sa Kalamidad
- D. Paghahanda sa Kalamidad
Ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay tinatawag na ________
- A. Paghahanda sa Kalamidad
- B. Pagtugon sa Kalamidad
- C. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
- D. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad
Nakapaloob sa yugtong ito ang mga gawain tulad ng pagtataya ng panganib o hazard assessment at pagtataya ng kakayahan o capability assessment.
- A. Paghahanda sa Kalamidad
- B. Pagtugon sa Kalamidad
- C. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
- D. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad
Layunin ng Paghahanda sa Kalamidad ang sumusunod maliban sa:
- A. magbigay impormasyon
- B. magbigay ng pagbabago
- C. magbigay payo
- D. magbigay ng panuto
Sa pagsasagawa ng pagtatasa ng kakulangan at kahinaan o vulnerability assessment, mahalaga na masuri ang sumusunod na salik maliban sa:
- A. Elementong nalalagay sa peligro
- B. Mamamayang nalalagay sa peligro
- C. Lokasyon ng mga mamamayang nasa peligro
- D. Lokasyon ng mga elementong
nasa peligro
Ito ay isang paraan sa pagsasagawa ng hazard assessment kung saan sinusuri ang mga panganib na nararanasan sa lugar at ang antas ng pinsala.
- A. Hazard Mapping
- B. Hazard Profiling
- C. Historical Profiling
- D. Risk Management
Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibaghagi ng mga mamamayan.
- A. Community Based Disaster Risk Reduction Management Approach
- B. Community Preparedness and Risk Management Approach
- C. Philippine Disaster Risk Management
- D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council
Sa pagbuo ng CBDRRM plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t ibang panganib at kalamidad?
- A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.
- B. Magsagawa ng personal plan para matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
- C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan.
- D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao.
Bahagi ng Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad ang mga hakbang at gawain na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito?
- A. Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad at makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod sa pampamahalaan
- B. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad
- C. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamot
Ang CBDRRM Approach ay isang proseso ng paghahanda. Upang maging matagumpay ang CBDRRM Approach nangangailangan ito ng masusing pagpaplano at ___________
- A. tapat na pinuno
- B. sapat na pondo
- C. suporta ng mga Non-Governmental Organizations
- D. pakikibahagi ng lahat ng sektor ng lipunan
Ang pagbuo ng CBDRRM Plan ay sumusunod sa isang sistematikong paraan ng pagtukoy sa mga pangangailangan ng komunidad. Ano ang tamang pagkakasunud-sunod sa mga yugto ng pagbuo nito?
- I. Paghahanda sa Kalamidad
- II. Pagtugon sa Kalamidad
- III. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
- IV. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad
- A. I, II, III, IV
- B. II, I, III, IV
- C. IV, I, II, III
- D. I, IV, II, III
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad?
- A. Pagtataya ng Panganib
- B. Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan
- C. Pagtataya ng Kapasidad
- D. Pagtataya ng Peligro
Bahagi ng Community Based Disaster Risk Reduction Management Plan ang pagtataya sa lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad. Alin sa sumusunod ang sumusuporta rito?
- A. Magsisilbi itong gabay ng mga NGOs para sa mga gawaing pangkabuhayan.
- B. Magiging epektibo ang aksyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa muling pagbangon kung ito ay napapahalagahan.
- C. Maiiwasan ang pinsala na maaaring idulot ng kalamidad kung ito ay mapahahalagahan.
- D. Magsisilbing gabay sa pagtugon sa pangangailangan ng nakaranas ng kalamidad.
Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging handa sa mga kalamidad?
- A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga mamamayan.
- B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamayanan.
- C. Ipagbigay alam ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan na maaring magdulot ng kapahamakan.
- D. Magsagawa ang mga pinuno ng pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga maaapektuhan.
4 CO_Q1_Araling Panlipunan10_Module 5
Aralin 1 Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan
Isang napakalaking hamon sa isang pamayanan ang pagbuo ng epektibong Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) Plan. Sa pamamagitan ng modyul na ito, iyong mauunawaan ang mga hakbang ng pagsasagawa ng plano. Ang mga kaalaman na iyong matututuhan ay magagamit mo sa pagtupad ng iyong tungkulin bilang isang responsableng mamamayan na may pagmamalasakit sa kapakanan ng sariling pamayanan lalo na sa pagtugon sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran.
Balikan
Gawain 2: KKK ka ba?
Bago mo simulan ang pag-aaral sa bagong paksa, mainam na balikan mo muna ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin dahil ang mga ito ang magsisilbing basehan mo sa mga gawain ng araling ito. Sagutan mo ang sumusunod na gawain.
Punan ng hinihinging datos ang tsart.
| KKK | Top-down Approach | Bottom-up Approach |
|---|---|---|
| Kahulugan | ||
| Kalakasan | ||
| Kahinaan | ||
| Sa pagbuo ng disaster management plan, mahalaga ang dalawang pinagsanib na paraan dahil_____ |
Magaling! Ito ay patunay na naintindihan mo ang nakaraang paksa at alam mo na ang kahalagahan ng kahandaan sa anumang hamon o suliraning pangkapaligiran na maaaring maranasan ng iyong pamayanan.
Ngayon, bilang paghahanda sa mga talakayan sa modyul, iyong pagtuunan ng pansin ang susunod na gawain.
Ang pagiging handa sa pagharap sa anumang hamon ang pinakamahalagang magagawa ng isang tao para mapaglabanan ang anumang pagsubok na darating. Sa bahaging ito ng iyong pag-aaral ay tutuklasin mo ang lalim ng iyong pang-unawa tungkol sa mga salik na nakaaapekto sa pagbuo ng CBDRRM Plan.
Simulan mo na.
Tuklasin
Gawain 3: Krosword Puzzle
Buoin ang puzzle sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng mga pahayag na nasa ibaba.
[chart: crossword puzzle grid; Gawain 3: Krosword Puzzle]
transcriber’s note: the grid’s clue numbers 1–10 are printed in the cells; the letters printed in the grid are L and I (row of clue 3), R, E, I (row of clue 6), E, O, S (row of clue 8), E and N (row of clue 9), and S (row of clue 10). The other cells are blank for answers.
- Ang kalagayang may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga panganib.
- Paghahandang ginagawa upang mabawasan ang panganib na dulot ng suliranin at hamong pangkapaligiran.
- Hamong pangkapaligiran na maaaring natural o bunga ng gawain ng tao.
- Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
- Tumutukoy sa panahon sa pagitan ng pagtukoy ng panganib at oras ng pagtama nito sa isang komunidad.
- Ang pagpigil o pag-iwas sa panganib na dulot ng hamong pangkapaligiran.
- Tumutukoy sa inaasahang pinsala sa buhay dulot ng pagtama ng kalamidad.
- Sa yugtong ito tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng kalamidad.
- Ang yugtong ito ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura.
- Ang isinasagawang pagtataya o pangangalap ng mga datos na magsisilbing batayan sa paggawa ng plano.
Mahusay mong natapos ang gawain! Ang iyong paunang kaalaman ay tutulong sa iyo upang mas maging makabuluhan ang iyong pagsasagawa ng CBDRRM Plan.
Binigyang-diin sa nakaraang paksa ang konsepto at kahalagahan ng CBDRRM Approach sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Ibig sabihin, hinihikayat ka bilang isang mag-aaral at bahagi ng pamayanan na maging aktibong kalahok sa pagsasagawa nito.
Sa bahaging ito, ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na suriin ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan. Ito ang magsisilbing gabay mo sa pagbuo ng CBDRRM Plan para sa pamayanang iyong kinabibilangan.
Sa susunod na bahagi ng aralin ay pagtutuonan mo ng pansin ang mga hakbang sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) Plan.
Handa ka na ba? Halika at iyong tuklasin ang mga nararapat gawin bilang paghahanda sa gagawing disaster management plan. Sige, simulan mo na. Tiyaking masasagot mo ang lahat ng mga inihandang gawain para sa iyo.
Suriin
Gawain 4: Pagsusuri ng Teksto.
Basahin at suriing mabuti ang mga teksto sa susunod na mga pahina na nagpapaliwanag kung papaano nagiging dahilan ang mga gawain at desisyon ng mga tao sa pagkakaroon ng kalamidad. Pagkatapos, sagutan ang mga kasunod na gawain na inilaan para sa iyo. Gumamit ng sagutang papel sa lahat ng mga gawaing nakalaan sa iyo.
UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG KALAMIDAD
(Disaster Prevention and Mitigation)
Ang yugtong ito ay tatalakay kung paano mapipigilan o mahahadlangan (prevention) at mababawasan ang panganib (mitigation) na maaaring maidulot ng kalamidad at hamong pangkapaligiran. Kailangang magkaroon ng sapat na kaalaman at pang-unawa ang mga babalangkas ng plano kung ano ang mga panganib, kung sino at ano ang maaaring mapinsala at kung maaari bang hadlangan o mabawasan ang epekto ng kalamidad. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nauuna ang pagtataya sa yugtong ito sa pagbuo ng plano ng Community Based-Disaster Risk Reduction Management.
Sa bahaging ito ng pagpaplano, tinataya ang mga panganib at ang kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad at hamong pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na makukuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad
Ang unang yugto na Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad ay nahahati sa dalawang bahagi; una, ang Paghadlang sa Kalamidad o Disaster Prevention na kinapapalooban ng Pagtataya ng Panganib, Kahinaan at Kakulangan at Kapasidad na tugunan ang kalamidad. Ang ikalawa ay ang Mitigasyon ng Kalamidad o Disaster Mitigation kabilang naman dito ang pagtataya sa peligro na maaaring maranasan ng komunidad.
[chart: flowchart; Unang Yugto: Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad (Disaster Prevention and Mitigation)]
- Top box: Unang Yugto: Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad (Disaster Prevention and Mitigation)
- Under it, four boxes: Pagtataya ng Panganib (Hazard Assessment); Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan (Vulnerability Assessment); Pagtataya ng Kapasidad (Capacity Assessment); Pagtataya ng Peligro (Risk Assessment)
- The first three boxes lead to Paghadlang; the Pagtataya ng Peligro box leads to Mitigasyon.
Pagtataya ng Panganib (Hazard Assessment)
Sa nakaraang aralin iyong napag-aralan ang tungkol sa panganib (hazard) at ang uri nito: ang Likas o Natural na Panganib at ang Gawa ng Tao o Human-Induced Hazard. Sa yugtong ito sa pagbuo ng plano ng CBDRRM gagawin ang pagtataya ng panganib.
Ang Pagtataya ng Panganib ay proseso ng pagtukoy o pagkilala sa katangian ng panganib, pagsusuri sa pinsala na maaaring maidulot nito at pamamahala sa panganib upang maiwasan ang matinding epekto nito sa isang lugar na makararanas ng sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
Ang pagsasagawa ng Pagtataya ng Panganib ay mahalaga upang maunawaan ng isang komunidad ang panganib, sakuna o kalamidad na maaring maranasan sa kanilang lugar at magkaroon ng makabuluhang pagpaplano upang matugunan ito. Sa gagawing pagtataya dapat isaalang alang ang mga katangian ng panganib na maaring maranasan, upang maisagawa ng epektibo ang pagbuo ng plano. Magsisilbing gabay sa gagawing pagtataya ang mga katanungan na nasa ibaba.
- Ano ang iba’t ibang uri ng panganib na maaring maranasan sa lugar?
- Ano ang maaaring pagmulan ng panganib?
- Sino ang maaaring maapektuhan ng panganib?
- Kailan maaaring maranasan ang isang panganib?
- Gaano katindi o kalawak ang maaaring maging epekto nito?
- May kakayahan ba ang komunidad na tugunan ang hamon o panganib?
Ayon sa mga ginawang pananaliksik, ang isa pang paraan ng pagtataya upang matukoy ang panangib na maaaring maranasan sa isang partikular na lugar ay ang pagsasagawa ng hazard mapping at timeline of events.
Ang Hazard Mapping ay ang proseso ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring makaranas ng panganib at ang mga elemento na maaaring maapektuhan nito tulad ng mga impraestruktura, agrikultura at kabuhayan ng mga mamamayan.
➢ Ang Timeline of Events ay ang paggawa ng balangkas ng mga nakaraang pangyayari upang masuri kung ano ang mga panganib na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas itong mangyari, at kung alin sa mga ito ang nagdulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan at kapaligiran.
Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan (Vulnerability Assessment)
Naunawaan mo sa unang bahagi ng iyong pag-aaral ang mga hakbang at kahalagahan ng pagtataya ng panganib. Sa susunod na bahagi ng aralin iyong susuriin kung ano ang nakapaloob sa Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan o Vulnerability Assessment at Pagtataya sa Kapasidad o Capacity Assessment. Malaki ang bahaging gagampanan ng mga datos na makakalap mula sa gawaing ito sa pagbuo ng Community Disaster Risk Reduction and Management Plan.
Sa bahaging ito, tatayahin ang kahinaan at kakulangan ng isang komunidad maging ito ay sa mga mamamayaan o sa mga impraestrukturang may mataas na antas ng panganib.
Ayon sa aklat nina Anderson at Woodrow (1990) na pinamagatang Rising from the Ashes, ang Pagtataya sa Kahinaan at Kakulangan ay mayroong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal; Sosyal o Panlipunan; at Pag-uugali ng tao tungkol sa panganib.
Ang kahinaang pisikal o materyal ay tumutukoy sa kakulangang pinansiyal at likas na yaman upang makagawa o makapagpatayo ng mga estruktura na kayang hadlangan ang epekto ng kalamidad. Ang isang komunidad na kabilang dito ay maituturing na vulnerable at may malaking posibilidad na makaranas ng malawakang hagupit ng kalamidad.
Ang kahinaang panlipunan ay tumutukoy sa kawalan ng kakayahan na tugunan o hadlangan ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang panganib. Mataas ang posibilidad na madaling maapektuhan o makaranas ng sakuna ang mga komunidad na walang maayos na ugnayan ang mga mamamayan at mahina ang pamamalakad ng pamunuan. Ito rin ay tumutukoy sa mga programa ng pamahalaan at ang suportang ibinibigay ng mga mamamayan.
Ang pag-uugali tungkol sa panganib ay nagdudulot din ng kahinaan na maaaring maging dahilan ng mas matinding epekto ng panganib sa isang komunidad. Ang kawalan ng interes at negatibong pagtanggap sa pagbabago ng mga mamamayan ay bahagi sa pagtataya ng kahinaan ng komunidad. Ang kakulangan sa kaalaman at epektibong pagtugon sa harap ng panganib ay may malaking kaugnayan sa pagiging vulnerable ng komunidad. May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad.
Nagiging mas malawak ang pinsala na dulot ng panganib kung ang mga kahinaang nabanggit sa tatlong kategorya ay hindi matutugunan. Ang pagiging mulat ng mga mamamayan sa mga kaganapan at aktibong paglahok sa mga programa ng pamahalaan lalo na sa pagbuo ng plano sa CBDRRM ay kailangan upang maiwasan ang panganib.
Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, kailangang suriin ang sumusunod na konsepto para sa epektibong pagsasagawa ng Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan:
- Elementong nalalagay sa panganib – Tumutukoy sa lahat ng elemento sa lipunan tulad ng mamamayan, kabahayan, impraestruktura, mga alagang hayop at pananim na maaaring maapektuhan.
- Mamamayang nalalagay sa panganib – Tumutukoy sa mga taong maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad dahil sa kanilang kalagayang pisikal o kawalan ng kakayahan tulad ng mga buntis, may kapansanan, matatanda at mga bata.
- Kinaroroonan ng mga mamamayang nalalagay sa panganib – Tumutukoy sa lokasyon ng mga taong itinuturing na may mataas na antas na makaranas ng panganib o vulnerable. Ang mga naninirahan sa mabababang lugar ay maaring makaranas ng pagbaha at landslide naman sa mga naninirahan malapit sa paanan ng bundok. Ito ay halimbawa lamang ng mga pangkat na itinuturing na vulnerable.
Ang pagsasagawa ng pagtataya ng kahinaan at kakulangan ay mahalaga dahil makatutulong ito sa pagbuo ng mas epektibong plano para sa CBDRRM.
Pagtataya ng Kapasidad (Capacity Assessment)
Ang Pagtataya ng Kapasidad ay ang proseso ng pagsusuri sa kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Katulad ng Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan, mayroon din itong tatlong kategorya: Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard.
- Sa pisikal o materyal na aspekto tinataya ang kakayahan ng komunidad o ng mga mamamayan na muling bumangon at bumawi pagkatapos na makaranas ng kalamidad. Ito ang susukat kung may kapasidad ba ang mga mamamayan na muling manumbalik sa dating pamumuhay. Maitatayo bang muli ang mga nasirang kabahayan, magagawa ba ang mga impraestrukturang naapektuhan, maibabalik ba ang kabuhayan ng mga ordinaryong mamamayan?
- Sa aspektong panlipunan tinataya ang kakayahan ng isang komunidad na harapin ang panganib at pagsusuri kung epektibo ang plano sa pamamahala sa kalamidad ng pamahalaan. Kabilang din dito ang kakayahan ng mga mamamayan na magtulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga kalamidad. Mayroon bang kongkretong programa na magpapakita ng magandang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan
- Sa aspekto ng pag-uugali ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng kakayahan na ibahagi ang kanilang panahon at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ang komunidad na harapin o muling bumangon mula sa pinsala ng kalamidad. Maayos ba ang pagtanggap ng mga mamamayan sa mga makabagong programa ng pamahalaan.
Pagtataya ng Peligro (Risk Assessment)
Ayon sa mga eksperto, ang Mitigasyon ng Panganib o Disaster Mitigation ay nararapat na isagawa bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at banta ng panganib upang maiwasan o mapigilan ang matindi at malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
Sa yugtong ito ng Mitigasyon ng Panganib sa pagbuo ng plano ng CBDRRM nakapaloob ang Pagtataya ng Peligro o Risk Assessment. Mahalagang magkaroon ng sistematikong pangangalap ng mga datos na maaaring gamitin sa pagsusuri sa mga panganib na dapat paghandaan. Sa pagkakataong ito, nagkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga tagapangasiwa kung ano ang mga programa at proyektong nararapat gawin upang maihanda ang mga komunidad sa pagharap sa panganib.
Sa pamamagitan ng Pagtataya ng Peligro nagiging matibay ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa mga panganib na maaaring makaapekto sa kanilang komunidad at nagkakaroon sila ng sapat na pagkakataon na maghanda upang maiwasan ang matinding epekto ng nito.
Ang Mitigasyon ng Panganib ay maaaring ikategorya sa dalawa, ang Mitigasyong Estruktural at Mitigasyong Di-estruktural
Ang Mitigasyong Estruktural ay tumutukoy sa mga pisikal na paghahanda na ginagawa ng isang komunidad upang maging handa sa panahon ng pagtama ng panganib. Kabilang sa mga ito ang pagpapagawa ng mga estruktura na hahadlang sa matinding epekto ng kalamidad. Ang paglilinis ng mga baradong kanal, ang pagpapalalim sa mga ilog, pagtatayo ng dike ay nakatutulong upang maibsan ang pagbaha. Ang paggawa ng mga gusali na earthquake proof ay nakakatulong upang mabawasan ang pinsala na maaring maidulot ng paglindol.
Ang Mitigasyong Di-estruktural ay tumutukoy sa paghahanda ng pamahalaan at komunidad kabilang sa mga gawain ay ang pagbuo ng plano sa pamamahala sa kalamidad, pagbibigay ng wastong kaalaman sa mga mamamayan at pagpapatupad ng mga programa upang mahadlangan ang malawakang epekto ng kalamidad. Isang epektibong paraan na maaring gawin sa mitigasyong di estruktural ay ang pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa katangian ng mga panangib na maaring maranasan at ang kahalagahan ng kahandaan. Dito masasabi natin na “Ligtas ang may alam”.
Gawain 5: Ilarawan Mo Ako!
Gumawa ng sariling paglalarawan sa mga konsepto na may kaugnayan sa paghadlang at mitigasyon ng kalamidad. Gawin ito sa hiwalay na papel.
[chart: flow diagram of four labeled boxes, each with an arrow to a blank box; Gawain 5: Ilarawan Mo Ako!]
- Pagtataya ng Panganib → (blank box)
- Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan → (blank box)
- Pagtataya ng Kapasidad → (blank box)
- Pagtataya ng Peligro → (blank box)
Hindi natatapos ang CBDRRM Plan sa pagtataya ng mga banta ng kalamidad at kakayahan ng komunidad na harapin ito. Mahalagang gamitin ang mga impormasyong nakalap mula sa unang hakbang sa pagbuo ng ikalawang yugto: ang Paghahanda Sa Kalamidad
IKALAWANG YUGTO: PAGHAHANDA SA KALAMIDAD
(DISASTER PREPAREDNESS)
Anong paghahanda ang ginagawa ng iyong pamayanan para sa mga darating na sakuna o panganib? Nakahanda ka ba?
Ang ikalawang yugto sa pagbuo ng plano ng CBDRRM ay tinatawag na Paghahanda sa Kalamidad. Ito ay tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa ng mga mamamayan, komunidad at pamahalaan bago ang panahon ng pagtama ng kalamidad o sakuna. Sa pagkakataong ito, mahalaga na magkaroon nang sapat na kaalaman ang lahat ng mamamayan sa mga dapat gawin sa panahon ng pagtama ng kalamidad.
Ang aktibong koordinasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan, partisipasyon ng bawat sektor ng lipunan at kooperasyon ng mga mamamayan ang pinakasentrong batayan sa pagkakaroon ng sistematikong paghahanda sa kalamidad. Sa pamamagitan ng maayos na paghahanda, maiiwasan ang malawakang pinsala na maaaring maidulot ng isang kalamidad. Isang mahalagang gawain na nakapaloob sa yugtong ito ay ang pagbibigay ng paalala at babala bago tumama o maging sa panahon ng kalamidad.
Maraming mga pagkakataon na ang makapagliligtas sa tao laban sa matinding epekto ng sakuna ay ang kanyang tamang kaalaman sa nagaganap sa kanyang paligid. Ang paghadlang sa malawakan at malubhang pagkasira ng mga estruktura, mapababa ang bilang ng mga maaapektuhan at mapadali ang pag-ahon
ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad ang pangunahing layunin ng yugto ng Paghahanda sa Kalamidad.
[chart: flowchart; Tatlong Pangunahing Layunin ng Paghahanda sa Kalamidad]
| Layunin | Paliwanag |
|---|---|
| Magbigay impormasyon | Pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa mga panganib, peligro, kakayahan, at pisikal na katangian ng komunidad na mahalaga sa pagtugon sa kalamidad |
| Magbigay payo | Pagbibigay ng gabay tungkol sa mga nararapat gawin para sa proteksiyon, paghahanda, paghadlang at pag-iwas sa epekto ng kalamidad |
| Magbigay ng panuto | Paglalahad ng mga hakbang na dapat gawin, ligtas na lugar na dapat puntahan, at mga ahensiya na maaaring lapitan sa panahon ng kalamidad |
Sa yugto ng Paghahanda sa Kalamidad bilang bahagi sa pagbubuo ng plano ng CBDRRM nabibigyan nang sapat na impormasyon at pag-unawa ang mga mamamayan sa dapat nilang gawin bago, habang, at pagkatapos ng panganib at kalamidad upang maihanda sila sa maaaring epekto nito.
Ang mga resulta ng pagtataya sa mga maaaring maranasang kalamidad at ang kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga ito ay bahagi lamang sa paghahanda sa plano ng pamamahala sa kalamidad.
Ang susunod na bahagi ay magbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa pagtugon sa gitna ng kalamidad. Ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral at sagutan ang mga inihandang gawain para sa iyo.
IKATLONG YUGTO: PAGTUGON SA KALAMIDAD (Disaster Response)
Sa yugtong ito sa paghahanda ng plano sa pamamahala sa kalamidad o CBDRRM plan tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang maaaring maidulot ng isang kalamidad. Ang mga impormasyong makakalap ang magsisilbing batayan upang makabuo ng epektibong paraan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan o ng komunidad na makararanas ng kalamidad.
Sa pagsasagawa ng epektibong pagtugon sa kalamidad ang sumusunod na pagtataya ay nararapat gawin upang magkaroon ng konkretong basehan sa pagbuo ng plano ukol dito.
Ang Pagtatasa ng Pangangailangan o Needs Assessment ay ginagawa upang matukoy at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot.
Ang Pagsusuri sa Pinsala o Damage Assessment ay pagtukoy sa lawak ng pinsalang dulot ng kalamidad tulad ng pagkasira ng mga impraestruktura at kabahayan.
Ang Pagtatasa ng Pagkawala o Loss Assessment ay pagsusuri sa pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng serbisyo o produksyon dulot ng kalamidad katulad ng pagkasira ng mga pananim.
Sa pagpaplano ng mga gawain sa Pagtugon sa Kalamidad mahalagang magkaroon ng koordinasyon at maayos na komunikasyon upang mabuo ang pagkakaisa ng lahat ng sektor ng lipunan na kasama sa pagsasagawa ng una at ikalawang yugto. Magiging matagumpay ang gagawing pagtugon sa mga makakaranas ng kalamidad kung ang resulta ng mga pagtataya sa pangangailangan, pinsala at pagkawala ang pagbabasehan.
Sa bahaging ito ng pagbuo ng plano ng CBDRRM ay mahalaga ang pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang datos sa naging lawak ng pinsala ng kalamidad. Ang mga datos na ito ang magsisilbing batayan para sa huling yugto ng pagbuo ng plano ng CBDRRM, ang Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad.
IKAAPAT NA YUGTO: REHABILITASYON AT PAGBAWI SA KALAMIDAD (Disaster Rehabilitation and Recovery)
Ang huling yugto sa pagbuo ng plano ng CBDRRM ay nakatuon sa Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad. Sa bahaging ito, sinusuri ang mga nararapat na hakbang at gawain para sa mabilis na pagsasaayos ng mga napinsala ng kalamidad. Ang pagpapanumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ng pamumuhay ng mga mamamayang nasalanta ng kalamidad ang pangunahing tunguhin ng yugtong ito.
Sa pagbuo ng plano para sa Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad nararapat na may konkretong hakbang upang maging sistematiko ang pagsasagawa ng mga programa. Ilan sa mga pangunahing bibigyang pansin ay ang pagpapanumbalik sa sistema ng komunikasyon at transportasyon; pagkukumpuni ng kabahayan; pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at pagsuporta sa mga kabuhayang napinsala ng kalamidad.
Kung magkakaroon ng maayos na sistema ng pamamahala sa panganib ang isang lugar, maaaring maiwasan ang malawakang pinsala sa panahon ng kalamidad.
Mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan, Non-Government Organizations (NGOs) at iba pang sektor ng lipunan sa pagpaplano at implementasiyon ng mga programa ng pamahalaan sa rehabilitasyon at pagbawi sa kalamidad.
Ang sama-samang pagtugon ng lahat ng sektor ay magdudulot ng mabilis at matagumpay na muling pagbangon.
Gawain 6: Interpretasyon mo, kailangan ko!
[transcriber’s note: the section heading above Gawain 6 is on an earlier page not included in this batch]
Ang graphic organizer sa ibaba ay nagpapakita ng pagbubuod ng mga konsepto na iyong pinag-aralan. Sa pamamagitan nito magiging mas organisado ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Bago ka tumungo sa ibang bahagi ng modyul na ito, iyo munang gawin ang pagsusuri rito.
Panuto: Gumawa ng pagbubuod batay sa makikitang graphic organizer sa ibaba. Gumamit ng sariling sagutang papel.
[chart: circular cycle diagram; untitled] Labels printed in the diagram: Paghahanda; Pagtugon; Pagpapanumbalik; Pagtatayong-muli; Pagbawi; Miitigasyon; Daloy ng Pamamahala sa Kalamidad (center); Pagtukoy sa Epekto; Pagbuo ng Kapasidad; Kagipitan.
Mga Gabay na Tanong:
- Batay sa pagsusuri na iyong ginawa, bakit mahalaga na magkaroon ng maayos na pagpaplano sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction Management Plan?
- Ano ang kahalagahan ng bawat yugto para magkaroon ng konkreto at komprehesibong pagpaplano ng CBDRRM?
- Maaari bang mabuo ang CBDRRM plan kung tanging mga sangay lamang ng pamahalaan ang gagawa nito?
- Paano mo ipakikita ang iyong pakikipagkaisa at kooperasyon sa pagbuo ng plano ng iyong komunidad?
Mahusay mong natapos ang pagsusuri sa mga kaalaman tungkol sa mga hakbang sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction Management.
Binabati kita.
Bilang paghahanda sa pagbuo ng plano CBDRRM ng iyong komunidad, mahalaga na magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga detalye na may kaugnayan dito. Ang sumusunod na gawain ay inihanda para sa iyo. Ang mga ito ay susubok sa iyong kakayahan na mangalap ng mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong sariling pamayanan na may kaugnayan sa mga banta na maaring maranasan pati na rin ang kakayahang tumugon ng mga mamamayan sa mga banta ng kalamidad.
Pagyamanin
[illustration: hand stacking blocks]
Gawain 7: Alamin Mo!
Pumili ng isang uri ng panganib na maaaring maranasan sa iyong sariling pamayanan. Gumawa ng brochure na nagpapakita sa sumusunod:
A. Impormasyon tungkol sa disaster, katangian at kahulugan B. Mga sanhi at epekto nito C. Mga dapat gawin, bago, habang at pagkatapos ng disaster
Gawing gabay ang sumusunod na pamantayan sa paggawa ng iyong brochure.
Rubrik sa Pagmamarka ng Brochure
| Pamantayan | Deskripsyon | Puntos |
|---|---|---|
| Nilalaman | Wasto at makatotohanan ang mga impormasyon | 10 |
| Kaangkupan | Madaling maunawaan ang ginamait na salita, larawan at simbolo sa ginawang poster ad | 7 |
| Pagkamalikhain | Nakapupukaw ng atensiyon ang poster ad dahil sa ginamit na mga larawan at salita | 3 |
| Kabuuan | 20 |
Mga Gabay na Tanong:
- Ano ang dapat gawin upang malaman lahat ang mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad?
- Bakit mahalagang malaman ng mga mamamayan ang mga impormasyon tungkol sa kalamidad at mga dapat gawin kung maranasan ang mga ito?
- Paano makatutulong ang mga mamamayan sa pamamahagi ng kaalaman tungkol sa kahandaan sa panahon ng kalamidad?
- Sa papaanong paraan nakatutulong ang Pagtataya ng Peligro sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran?
- Bakit mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa paggawa ng Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan?
Isaisip
[illustration: hand holding a light bulb]
Gawain 8: Dugtungan mo
Sa pagbuo ng plano ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM), mahalagang sundin ang apat na yugto ng pagsagawa. Dugtungan ang sumusunod: Gumamit ng hiwalay na sagutan papel.
Ang Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad ay_____________________________________ _________________________________________________________________________.
Ang Paghahanda sa Kalamidad ay _____________________________________________ _________________________________________________________________________.
Sa yugto ng Pagtugon sa Kalamidad isinasagawa ang _____________________________ _________________________________________________________________________.
Pagkatapos ng kalamidad, isinasagawa ang Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad upang _________________________________________________________________________.
Mahalaga ang disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan upang _______________ _________________________________________________________________________.
Isagawa
[illustration: hand holding a wrench and bolts]
Ang mga natutuhan mong hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay nagmulat sa iyo sa kahalagahan ng CBDRRM Approach
Sa pagkakataong ito, isagawa mo ang huling yugto ng Modyul 1. Sa gawaing ito, sasanayin ka na tumugon sa isang sitwasyon na maaari mong maranasan. Inaasahan na ang pagtugon na iyong gagawin ay magpapakita ng iyong natutuhan mula sa mga nakaraang aralin. Sa pamamagitan ng gawaing ito iyong masusuri ang kahalagahan ng CBDRRM Approach sa paghahanda at pagtugon sa panahon ng kalamidad.
Gawain 9: Nakahanda ako!
Bumuo ng CBDRRM Plan na nakabatay sa iyong kapitbahayan o barangay. Basahin ang nilalaman ng sitwasyon at isagawa ito.
Ikaw ang Chairman ng Sangguniang Kabataan ng iyong barangay. Bilang kinatawan ng mga kabataan, ikaw ay kasapi sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management Plan sa iyong komunidad. May taunang patimpalak ang iyong Lungsod/Bayan sa paggawa ng pinakaepektibo at komprehensibong CBDRRM plan. Kasama ka sa mga naatasang gumawa ng CBDRRM Plan na nakabatay sa pangangailangan ng iyong komunidad. Ang mabubuong CBDRRM Plan ay ilalahad sa mga miyembro ng sangguniang pambarangay at mga kinatawan ng Lokal na sangay ng CBRRM.
Ito ay bibigyan ng marka batay sa sumusunod na pamantayan:
| Pamantayan | Puntos |
|---|---|
| Kaangkupan | 20 puntos |
| Nilalaman | 10 puntos |
| Presentasyon | 10 puntos |
| Praktikalidad | 10 puntos |
| Kabuuan | 50 puntos |
Tayahin
[illustration: hand writing with a pencil]
Gawain 10: Panghuling Pagtataya
Lubos ang kagalakan na malaman na narating mo na ang bahaging ito ng modyul. Inaasahan na marami kang natutuhan kaya ipakita mo ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba. Gumamit ng sariling sagutang papel
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
Ang pagbuo ng CBDRRM Plan ay sumusunod sa isang sistematikong paraan ng pagtukoy sa mga pangangailangan ng komunidad. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga yugto sa pagbuo nito?
I. Disaster Preparedness III. Disaster Rehabilitation and Recovery
II. Disaster Response IV. Disaster Prevention and MitigationA. I, II, III, IV B. II, I, III, IV C. IV, I, II, III D. I, IV, II, III
Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment mahalaga na suriin ang sumusunod na salik maliban sa
A. Elements at risk C. People at risk
B. Location of people at risk D. Location of elements at riskIto ay isang proseso sa pagsasagawa ng pagtataya sa panganib kung saan sinusuri ang mga hazard na nararanasan sa lugar at antas ng pinsala nito.
A. Hazard Mapping C. Historical Profiling
B. Hazard Profiling D. Risk ManagementIsinasagawa ito upang matukoy ang kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad.
A. Capacity Assessment C. Disaster Response
B. Risk Assessment D. Disaster PreparednessAng yugtong ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayong maibalik sa dating kaayusan ang daloy ng pamumuhay sa mga nasalantang komunidad.
A. Disaster Preparedness C. Disaster Rehabilitation
B. Disaster Response D. Disaster PreventionNakapaloob sa yugtong ito ang mga gawain tulad ng hazard assessment at capability assessment.
A. Disaster Preparedness C. Disaster Response
B. Disaster Rehabilitation and Recovery D. Disaster Prevention and MitigationLayunin ng Disaster Preparedness ang mga sumusunod maliban sa:
A. magbigay impormasyon C. magbigay payo
B. magbigay ng pagbabago D. magbigay ng panutoAng unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay tinatawag na ____________________
A. Disaster Preparedness C. Disaster Response
B. Disaster Rehabilitation and Recovery D. Disaster Prevention and MitigationIsinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga mamamayan. Tukuyin ito.
A. Community Based Disaster and Risk Management Approach
B. Communitey Preparedness and Risk Management Approach
C. Philippine Disaster Risk Management
D. Philippine Disaster Risk Reduction Management CouncilSa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t ibang hazard at kalamidad?
A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.
B. Magsagawa ng pansariling plano para matugunan ang pangangailangan ng lipunan.C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at protektahan ang mga naapektuhan.
D. Magkaroon ng planong pinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao.Bahagi ng Disaster Rehabilitation and Recovery ang mga hakbang at gawaing nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito?
A. Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad
B. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod pampamahalaan
C. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad
D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamutBukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging handa pagdating ng kalamidad?
A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga mamamayan.
B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamayanan.
C. Ipagbigay alam ang mga nararanasang suliraning pangkapaligiran na maaaring magdulot ng kapahamakan.
D. Magsagawa ang pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga maaapektuhan.Ang CBDRRM Approach ay isang proseso ng paghahanda. Upang maging matagumpay ang CBDRRM Approach nangangailangan ito ng masusing pagpaplano at ____________
A. tapat na pinuno C. suporta ng mga NGO’s
B. sapat na pundo D. partisipasyon ng lahat ng sektor ng lipunanAlin sa sumusunod ang hindi kabilang sa Disaster Prevention?
A. Hazard Assessment C. Capacity Assessment
B. Vulnerability D. Risk AssessmentBilang katuwang ng Disaster Risk Reduction Management Plan, Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalahad ng kahalagahan ng pagtataya sa pinsalang dulot ng isang kalamidad?
A. Magsisilbi itong gabay ng mga NGOs para sa mga gawaing pangkabuhayan
B. Magiging epektibo ang aksiyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa muling pagbangon
E. Maiiwasan ang malaking pinsalang maaaring idulot ng kalamidad kung ito ay mapapahalagahan
D. Magsisilbi itong batayan upang matugunan ang pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad.
Karagdagang Gawain
Gawain 11: Sama-sama, Kayang-kaya!
Bumuo ng isang sanaysay na naglalahad sa kahalagahan ng disiplina at kooperasyon ng mga mamamayan upang epektibong matugunan ang mga panganib na dulot ng mga hamong pangkapaligiran at mapanumbalik ang kaayusan sa isang lugar na nakaranas ng isang kalamidad.
Magaling! Binabati kita! Natapos mo na ang mga aralin para sa Unang Markahan.
Nalaman at naunawaan mo sa mga modyul na ito ang mga maaaring gawin ng tao upang harapin ang lumalalang suliranin at hamong pangkapaligiran. Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang maiwasan ang malawakang pinsala na dulot ng iba’t ibang kalamidad na maaaring maranasan sa ating bansa. Handa ka na para sa susunod na markahan.
Para sa Ikalawang Markahan iyong pag-aaralan ang mga sanhi at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang iyong kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer columns are transcribed in their reading order]
Susi sa Pagwawasto
Pangwakas na Pagtataya
- C
- D
- C
- A
- C
- D
- B
- D
- A
- A
- C
- B
- D
- D
- D
Paunang Pagtataya
- C
- A
- D
- D
- B
- D
- C
- A
- A
- C
- D
- C
- D
- D
- B
Tuklasin
- Vulnerable
- Mitigation
- Kalamidad
- Preparedness
- Forewarning
- Prevention
- Risk
- Response
- Rehabilitation
- Assessment
Sanggunian
Department of Education. Araling Panlipunan 10 Kagamitang Pansanay, Learners Modyul. 2017.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply