This is a self-learning module for Araling Panlipunan 6 (Grade 6 Social Studies), Quarter 1, Module 5: “Ang Deklarasyon ng Kasarinlan at Pagtatatag ng Unang Republika” (the Declaration of Independence and the founding of the First Republic). Grade 6 learners study the events from Emilio Aguinaldo’s return from Hong Kong to the Malolos Congress and the First Philippine Republic. By the end, they should be able to build a timeline of these events and explain why the Malolos Constitution matters.
The module is part of DepEd’s Alternative Delivery Mode (ADM) for home learning. It was prepared by DepEd Region VI-Western Visayas (First Edition, 2020) and has one lesson, “Aralin 1: Deklarasyon ng Kasarinlan ng Unang Republika” (Declaration of Independence of the First Republic).
In this article 6 sections
What learners will learn
After this module, learners should be able to:
- Identify the events that happened before the Malolos Congress (Kongreso ng Malolos) was inaugurated.
- Know the full purpose of the Congress.
- Make a timeline from the Revolution of 1896 (Himagsikang 1896) to the Revolutionary Government of 1898 (Pamahalaang Rebolusyonaryo).
- Discuss the aims of the Constitution (Saligang Batas) put in place under the Philippine Republic.
- Value the Malolos Constitution, the first fundamental law made by the Malolos Congress after independence was declared.
The module also looks at the plans of the Americans and at the talks between General Emilio Aguinaldo and Commodore George Dewey, leader of the American forces.
Key events in this module
The module tells the story in order. This timeline uses the dates the module gives.
| Date | Event |
|---|---|
| December 27, 1897 | Under the Pact of Biak-na-Bato (Kasunduan sa Biak-na-Bato), Aguinaldo leaves for Hong Kong with 36 other revolutionaries. The fighting stops for a while. |
| May 19, 1898 | Aguinaldo returns on the ship McCulloch, on the order of Commodore George Dewey. They meet on the ship Olympia off Cavite, where Dewey says the Americans only want to help free the country from Spain. |
| May 24, 1898 | Aguinaldo sets up a Dictatorial Government (Pamahalaang Diktatoryal) to unite the revolutionaries under one government. |
| June 12, 1898 | Philippine independence is first declared in Kawit, Cavite. |
| June 23, 1898 | On Apolinario Mabini’s advice, the Dictatorial Government is replaced by the Revolutionary Government. |
| September 15, 1898 | The Malolos Congress is inaugurated at Barasoain Church in Malolos, Bulacan, led by Pedro Paterno. |
| January 23, 1899 | The Republic is proclaimed in Malolos, with Aguinaldo as president. |
Key ideas to review
The Dictatorial Government
Aguinaldo held the powers of a dictator, but he stressed that this was only temporary because of the war. He followed the advice of the lawyer Ambrosio Rianzares Bautista, who said a dictatorial government was needed first to cover the whole country and win the war. It was to be replaced later by a republic.
The declaration of independence
On June 12, 1898, the Act of the Declaration of Independence was prepared, written, and read in Spanish by Ambrosio Rianzares Bautista. It was signed by 98 people, including an American army officer who witnessed it. The Philippine flag was raised for the first time while the “Marcha Filipina Magdalo” was played. That anthem, composed by Julian Felipe with words later written by Jose Palma, is known today as Lupang Hinirang. The flag was sewn in Hong Kong by Marcela Agoncillo, Josefa Herbosa de Natividad, and Lorenza de Agoncillo.
The Revolutionary Government
The title “dictator” was replaced by “president.” The president was to be helped by a revolutionary congress of representatives from the provinces. The government aimed to continue the fight for freedom and prepare the country for a republic. Mabini, called the “Utak ng Rebolusyon” (Brains of the Revolution), served as Aguinaldo’s chief adviser.
The Malolos Congress and the Malolos Constitution
Under the decree that created it, the Malolos Congress could not make laws and served only as an adviser to the president. Its most important work was the Malolos Constitution (Saligang Batas ng Malolos), which set up a republic that answers to its citizens. The module lists these features:
- Separation of church and state
- Recognition of the rights of every person
- Free elementary education
- Provisions on the powers of the executive, legislature, and courts
The Hong Kong Junta
To make Philippine independence known abroad, Aguinaldo formed diplomatic groups. The Hong Kong Junta included:
- Felipe Agoncillo, representative to America
- Antonio Regidor, representative to England
- Edilberto Zarcal, representative to Australia
- Mariano Ponce, Faustino Lichauco, Juan Luna, and Pedro Roxas, representatives to Japan
How to use this module
The module follows the usual self-learning module parts:
- Alamin: read the objectives.
- Subukin: a 10-item pretest matching dates and names to events.
- Balikan: put 10 events, from La Liga Filipina to the First Republic, in order.
- Tuklasin and Suriin: the main reading, plus a concept map on Aguinaldo’s contributions.
- Pagyamanin: a crossword puzzle.
- Isaisip: a summary of the lesson.
- Isagawa: match six dates from 1897 to 1898 to their events.
- Tayahin: a 10-item final test on putting events in order.
- Karagdagang Gawain: five questions to answer in a notebook.
For learners: Write your answers on separate paper, not on the module, so others can use it. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after you finish, and be honest. Ask your teacher if a part is hard to understand.
For parents: The module comes with a teacher or facilitator guide that has tips for helping your child at home. The pretest shows if your child needs more help.
For teachers: The answer key covers all activities, including sample answers for the Karagdagang Gawain questions.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 6 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 5.
When was Philippine independence first declared, according to the module?
On June 12, 1898, in Kawit, Cavite. The flag was raised for the first time while the Marcha Filipina Magdalo, now known as Lupang Hinirang, was played.
What was the most important work of the Malolos Congress?
The module says it was the writing of the Malolos Constitution, which provided for separation of church and state, recognition of individual rights, free elementary education, and the powers of the three branches of government.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, crossword, timeline activity, final test, and additional questions.
Who was called the Brains of the Revolution?
Apolinario Mabini, Aguinaldo’s adviser, who advised replacing the Dictatorial Government with the Revolutionary Government on June 23, 1898.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5: Ang Deklarasyon ng Kasarinlan at Pagtatatag ng Unang Republika
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5: Ang Deklarasyon ng Kasarinlan at Pagtatatag ng Unang Republika
[illustration: students reading outdoors and indoors, a teacher at a desk, a child by a lamp, and a globe]
CO_Q1_AP6_Module5
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Ang Deklarasyon ng Kasarinlan at Pagtatatag ng Unang Republika Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Printed in the Philippines by ________________________
Department of Education – Region VI-Western Visayas Office Address: Duran Street, Iloilo City, Philippines, 5000 Telefax: (033) 336-2816, (033) 509-7653 E-mail Address: deped6@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mitzel M. Alvaran, Marife E. Cajutol
Editor: Carmela M. De Gracia, Jewelyn Q. Cadigal, Venetia Anne A. Tropa, Blas P. Tabayag, Jr.
Tagasuri: Blas P. Tabayag, Jr., Mary Helen M. Bocol, Junry M. Esparar
Tagaguhit: Roland B. Tarrazona
Tagalapat: Jewelyn Q. Cadigal
Tagapamahala: Ramir B. Uytico
Portia M. Mallorca
Elena P. Gonzaga
Celestino S. Dalumpines IV
Mary Helen M. Bocol
Jewelyn Q. Cadigal
Pedro T. Escobarte, Jr.
Nelly E. Garrote
Donald T. Genine
Junry M. Esparar
Blas P. Tabayag, Jr.
Emee Ann P. Valdez
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5: Ang Deklarasyon ng Kasarinlan at Pagtatatag ng Unang Republika
6
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5: Ang Deklarasyon ng Kasarinlan at Pagtatatag ng Unang Republika
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ng SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo an gating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa ikaunlad ng iyong kaalaman. Sa modyul na ito iyong malalaman ang plano ng mga Amerikano laban sa mga Pilipno at Español. Matatalakay mo rin ang mga plano ni Heneral Emilio Aguinaldo sa pamahalaan nang magkausap sila ni Komador George Dewey, pinuno ng hukbo ng Amerikano na namagitan sa Pilipino at mga Español. Gusto mo bang malaman kung ano ang mga naganap na pangyayari bago ideneklara ang kasarinlan o ang pagiging malaya ng Pilipinas laban sa mga Español?
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang magawa ang sumusunod:
- Matutukoy ang mga detalyeng naganap bago napasinayahan ang Kongreso ng Malolos;
- Malalaman ang ganap na layunin ng Kongreso;
- Makakagawa ng timeline ng Himagsikang 1896 hanggang sa Pamahalaang Rebolusyonaryo 1898;
- Matatalakay ang mga layunin ng Saligang Batas na ipinatupad sa ilalim ng Republika ng Pilipinas; at
- Napapahalagahan ang Saligang Batas na unang ginawa ng Kongreso ng Malolos na siyang kauna-unahang batas na ipinatupad sa pagdeklara ng kasarinlan ng Pilipinas.
Subukin
Panuto: Alamin kung ano ang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang-papel.
A. Enero 25, 1898 B. Hunyo 12, 1898 C. Mayo 24, 1898 D. Felipe Agoncillo E. Setyembre 15,1898 F. Pedro Paterno G. Hunyo 23,1898 H. Apolinario Mabini I. Antonio Regidor J. Abril 21,1898
_____ 1. Unang ipanahayag ang kasarinlan ng bansang Pilipinas _____ 2. Itinatag ni Aguinaldo ang isang Pamahalaang Diktatoryal _____ 3. Pinasinayaan sa simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan ang Kongreso ng Malolos _____ 4. Namuno sa Kongreso sa Malolos _____ 5. Dumating ang barkong pandigmang Maine ng Estados Unidos sa Havana, Cuba _____ 6. Nagsilbing tagapayo ng pangulo sa mga bagay na may kaugnayan sa kapakanan ng mga mamamayan _____ 7. Pinalitan ni Emilio Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ayon sa payo ni Apolinario Mabini _____ 8. Pagsabog ng barkong Maine _____ 9. Kinatawan ng America sa samahang Hong Kong Junta _____ 10. Kinatawan ng England sa samahang Hong Kong Junta
Alam mo ba ang mga kaganapan sa ating bansa sa ilalim ng pamumuno ni Hen. Emilio Aguinaldo matapos ang Kasunduan sa Biak-na-Bato? Alam mo ba ang mithiin ng heneral sa paglaban sa mga Español? Ano naman kaya ang naging ambag ng “Utak ng Rebolusyon” na si Apolinario Mabini sa kaganapang ito? Malalaman mo sa modyul na ito ang mga pangyayaring naging simula ng pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas sa mga Español.
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mahahalagang pangyayari na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas. Gamitin ang mga bilang 1 hanggang 10. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
_____ 1. Sigaw sa Pugad Lawin _____ 2. Kumbensiyon sa Tejeros _____ 3. Pagtatatag ng Kongreso ng Malolos _____ 4. Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas _____ 5. Kasunduan sa Biak-na-Bato _____ 6. Pagbabalik ni Aguinaldo mula sa Hong Kong _____ 7. Pagbubunyag ng Katipunan _____ 8. Pagtatag ng Katipunan _____ 9. La Liga Filipina _____ 10. Unang Republika ng Pilipinas
Aralin 1: Deklarasyon ng Kasarinlan ng Unang Republika
Balikan
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mahahalagang pangyayari na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas. Gamitin ang mga bilang 1 hanggang 10. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
_____ 1. Sigaw sa Pugad Lawin _____ 2. Kumbensiyon sa Tejeros _____ 3. Pagtatatag ng Kongreso ng Malolos _____ 4. Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas _____ 5. Kasunduan sa Biak-na-Bato _____ 6. Pagbabalik ni Aguinaldo mula sa Hong Kong _____ 7. Pagbubunyag ng Katipunan _____ 8. Pagtatag ng Katipunan _____ 9. La Liga Filipina _____ 10. Unang Republika ng Pilipinas
Tuklasin
Alam ba ninyo na matapos matalo ng mga Amerikano ang mga Español sa labanan sa Maynila ay agad na bumuo ang ilang manghihimagsik ng mga plano para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa sa mga Español?
[illustration: Representasyon ng Deklarasyon ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898; men in a room with a flag, one reading a document, others holding rifles]
Representasyon ng Deklarasyon ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898
Suriin
Ang paglaban ng mga bayani sa ating kasiranlan ay nagbigay daan sa ating mga Pilipino na isabuhay ang mga ginawa ng ating bayani upang makamit ang ating kalayaan. Sa ngayon, tinatamasa na natin ang kasarinlan ng ating bansa.
Mula sa kaganapan ng pagbabalik ni Emilio Aguinaldo galing Hong Kong sa kadahilanan na hindi tumupad ang Espanya sa Kasunduan sa Biak-na-Bato, gayunpaman hindi rin natupad ng mga Pilipino ang kanilang pangako na ibalik ang mga armas. Naging matatag si Aguinaldo sa pagtatatag ng Pamahalaang Republika sa tulong ng kanyang tagapayo na si Apolinario Mabini. Tinatag ang Kongreso ng Malolos upang makabuo ng Saligang Batas ng Malolos. Si Hen. Emilio Aguinaldo ang hinirang ng Kongreso bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.
Illustration on this page is made by Roland B. Tarrazona
Saligang Batas ng Malolos
- Paghihiwalay ng simbahan at estado
- Pagkilala sa karapatan ng bawat tao
- Libreng edukasyon sa elementarya
- Probisyon tungkol sa kapangyarihan ng ehekutibo, lehislatura at hukuman
Pamahalaang Diktatoryal
Sa pagbabalik ni Aguinaldo mula Hong Kong ay nagdesisyon siya na magtatag ng isang panibagong pamahalaang Pilipino. Dahil dito, nagtatag muna si Aguinaldo ng isang Pamahalaang Diktatoryal noong Mayo 24, 1898 kung saan hinawakan niya ang kapangyarihan ng isang diktador. Binigyan diin ni Aguinaldo na ang kapangyarihang ito ay pansamantala lamang dahil na rin sa pangangailangan ng sitwasyon. Sinunod niya ang payo ng abogadong si Ambrosio Rianzares Bautista na kailangan muna na magtatag ng isang pamahalaang diktatoryal upang ganap na masaklawan ang buong bansa at madaling mapagtagumpayan ang pakikidigma. Ang Pamahalaang Diktatoryal ay mananatili habang may digmaan. Ito ay hahalinhan ng isang republikang magtatayo ng isang pamahalaang federal na itinadhana ng Saligang Batas na dala niya mula sa Hongkong at isinulat ni Mariano Ponce.
Noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite unang ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas. Ang mga pinuno ng himagsikan ay lumagda sa kasulatan na ginagawaran si Aguinaldo ng sapat na kapangyarihan upang pamunuan ang pamahalaan. Ang Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ay inihanda, sinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa wikang Kastila. Ang pagpapahayag ay inilagda ng 98 katao, kabilang na dito ay isang opisyal ng hukbong Amerikano na siyang nakasaksi sa proklamasyon. Si Apolinario Mabini ang naglingkod bilang pinunong tagapayo ni Aguinaldo.
Kaalinsabay nito, unang iwinagayway ang bandilang Pilipino sa tugtog ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit na kilala ngayon bilang Lupang Hinirang. Ito ay isinulat ni Julian Felipe at nang naglaon ay nilapatan ng titik ni Jose Palma. Ang bandila ng Pilipinas ay tinahi nina Marcela Agoncillo, Josefa Herbosa de Natividad at Lorenza de Agoncillo sa Hong Kong.
Ang Pamahalang Rebolusyonaryo
Noong Hunyo 23, 1898 bilang pagsunod sa payo ni Mabini, pinalitan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal ng Pamahalaang Rebolusyonaryo. Hinalinhan ang tawag na “diktador” at ipinalit ang “pangulo” bilang katawagan sa pinuno ng pamahalaang rebolusyonaryo.
Sa pamahalaang ito, ang pangulo ay tutulungan ng isang Kongreso ng Panghimagsikan na binubuo ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang lalawigan tagapagpaganap upang gumawa ng mga batas para tiyak na mamalagi ang kaayusang panloob at mapangalagaan ang bansa laban sa dayuhang mananakop.
Layunin ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ang ipagpatuloy ang pakikipaglaban ng Pilipinas para sa kalayaan at ihanda ang bansa upang maitayo ang isang Pamahalaang Republika.
Matapos mapagtibay ang Saligang Batas ng Kongreso, ipinalabas sa Malolos ang proklamasyon ng Republika noong Enero 23, 1899. Inihalal si Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas ayon sa tadhanang ipinagtibay sa Saligang Batas. Si Pedro A. Paterno ang naging Pangulo ng Kongreso. Kaagad na nanumpa si Aguinaldo bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Hangad ni Aguinaldo na maipabatid sa ibang bansa ang kalayaang pagsasarili ng Pilipinas. Kasabay nito, lumikha siya ng mga lupon pangdiplomasiya sa labas ng bansa. Ang layunin nito ay para makipag-ugnayan sa ibang bansa upang maglarawan ng magandang kalagayan ng Pilipinas. Itinatag ang Hong Kong Junta na ang mga kasapi ay kumakatawan sa iba’t-ibang bansa. Kabilang sa mga nahirang ay sina:
- Felipe Agoncillo- kinatawan para sa America;
- Antonio Regidor- kinatawan para sa England;
- Edilberto Zarcal- kinatawan para sa Australia; at
- Mariano Ponce, Faustino Lichauco, Juan Luna, Pedro Roxas- mga kinatawan para sa Japan.
Gawin ang sumusunod.
Panuto: Gamit ang Concept Map, ilahad ang mga kontribusyon ni Emilio Aguinaldo sa kahalagahan ng pagtatag ng Kongreso ng Malolos.
[chart: concept map; no number or title printed]
Center: Mga Kontribusyon ni Emilio Aguinaldo
[transcriber’s note: the four outer boxes of the concept map are blank]
Pagyamanin
Panuto: Buuin ang crossword puzzle sa pagtukoy ng hinihinging konsepto at kaisipan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
Pahalang:
- Pangalan ng barkong sinakyan ni Aguinaldo
- Sa barkong ito nagpulong sina George Dewey at Aguinaldo
- Pinuno ng plota ng mga Amerikano sa silangan
- Utak ng Rebolusyon
- Namuno sa Kongreso ng Malolos
Pababa:
- Ipinalit sa Pamahalaang Diktatoryal
- Dito pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos
- Nagtungo sa Hong Kong noong Disyembre 27, 1897
[illustration: blank crossword puzzle grid with clue numbers 1 to 8 printed in the squares]
Isaisip
Bilang pagtupad sa nilalaman ng Kasunduan sa Biak-na-Bato, nilisan ni Aguinaldo ang Pilipinas papuntang Hong Kong kasama ang 36 na iba pang rebolusyonaryo noong Disyembre 27, 1897. Pansamantalang natigil ang himagsikan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Español.
Noong Mayo 19, 1898, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas mula Hong Kong sakay ng barkong McCulloch sa utos ni Komador George Dewey na siyang pinuno ng plota ng mga Amerikano sa Silangan. Nagpulong ang dalawa sa barkong Olympia sa baybayin ng Cavite na kung saan ipinahayag ni George Dewey na ang tanging layunin ng mga Amerikano sa Pilipinas ay tulungan itong makalaya sa mga Español. Napaniwala si Aguinaldo na maganda ang layunin ng mga Amerikano kaya agad niyang ipinulong ang mga rebolusyonaryong Pilipino na matagal nang naghihintay sa kanyang pagbabalik. Noong Mayo 24, 1898, itinatag ni Aguinaldo ang isang Pamahalaang Diktatoryal na ang layunin ay muling mapag-isa ang mga rebolusyonaryo sa ilalim ng isang pamahalaan.
Noong Hunyo 23, 1898 sa payo ni Apolinario Mabini, na siyang tagapayo ni Aguinaldo at Utak ng Himagsikan, ang Pamahalaang Diktatoryal ay pinalitan ng Pamahalaang Rebolusyonaryo. Sa ilalim ng pamahalaang ito, pinangunahan ni Aguinaldo ang pamahalaan bilang “pangulo” sa halip na isang “diktador.” Sa pamamagitan ng Pamahalaang Rebolusyonaryo, ipinatupad ang pagtatayo ng iba’t–ibang sangay ng pamahalaan tulad ng pamahalaang lokal at ang kongreso. Kaya naman noong Setyembre 15, 1898, pinasinayaan sa simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan ang Kongreso ng Malolos na pinamumunuan ni Pedro Paterno. Ngunit ayon sa dekretong lumikha dito, ang Kongreso ng Malolos ay walang kapangyarihang gumawa ng batas kundi ito ay magsisilbi lamang tagapayo ng pangulo.
Ang Saligang Batas ng Malolos ang pinakamahalagang nagawa ng kongresong panghimagsikan. Itinatadhana ng Saligang Batas ng Malolos ang isang republikang tumatanggap, kumakatawan at nananagutan sa mga mamamayan. Unang ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Kaalinsabay nito ay iwinagayway ang bandilang Pilipino sa saliw ng Marcha Magdalo na siyang naging pambansang awit ng Pilipinas.
Isagawa
Panuto: Isa-isahin ang mga petsa ng kaganapan at pangyayari mula 1897 hanggang 1898. Iguhit ang organiser at isulat ang sagot sa sagutang-papel. Pumili ng sagot sa loob ng kahon sa ibaba.
| Petsa | Kaganapan |
|---|---|
| 1. Disyembre 27,1897 | |
| 2. Mayo 19,1898 | |
| 3. Mayo 24, 1898 | |
| 4. Hunyo 12, 1898 | |
| 5. Hunyo 23,1898 | |
| 6. Setyembre 15,1898 |
[transcriber’s note: the following six choices are printed in a box]
- Pagdeklara ng kasarinlan ng Pilipinas
- Pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos
- Itinatag ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal
- Nagtungo sa Hong Kong si Aguinaldo
- Bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas sakay ng Barkong McCulloch
- Pinalitan ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ang Pamahalaang Diktatoryal
Tayahin
Panuto: Ayusin ang mga detalye at pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Gamitin ang mga bilang 1 hanggang 10.
_____ 1. Sa payo ni Apolinario Mabini, pinalitan ang Pamahalaang Diktatoryal ng Pamahalaang Rebolusyonaryo.
_____ 2. Agad na pinulong ni Aguinaldo ang mga rebolusyonaryong Pilipino.
_____ 3. Nilisan ni Aguinaldo ang Pilipinas patungong Hongkong kasama ang 36 na rebolusyonaryo.
_____ 4. Magsisilbi lamang na tagapayo ang Kongreso ng Malolos at hindi gagawa ng batas.
_____ 5. Napag-isahan na ipatupad ang pagtatayo ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan tulad ng lokal at kongreso.
_____ 6. Pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan ang Kongreso ng Malolos.
_____ 7. Itinatag ni Aguinaldo ang isang Pamahalaang Diktatoryal na ang layunin ay muling mapag-isa ang mga rebolusyonaryo sa ilalim ng isang pamahalaan.
_____ 8. Natigil ang himagsikan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Español.
_____ 9. Naging pangulo si Aguinaldo sa ilalim ng Pamahalaang Rebolusyonaryo.
_____ 10. Bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas mula sa Hong Kong.
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
- Bakit mahalaga ang pagkakabuo ng Saligang Batas ng Malolos?
- Ano ang pinakamahalagang nagawa ng Kongreso ng Malolos?
- Anong uri ng pamahalaan ang Pamahalaang Rebolusyonaryo?
- Anong uri ng pamahalaan ang Pamahalaang Diktatoryal?
- Ano ang hangarin ni Aguinaldo para sa bansa?
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- B
- C
- E
- F
- A
- H
- G
- J
- D
- I
Balikan
- 3
- 4
- 9
- 7
- 5
- 6
- 8
- 2
- 1
- 10
Pagyamanin
Pahalang
- MCCULLOCH
- OLYMPIA
- GEORGEDEWEY
- APOLINARIOMABINI
- PEDROPATERNO
Pababa
- REBOLUSYONARYO
- BARASOAIN
- AGUINALDO
Isagawa
- Nagtungo sa Hongkong si Aguinaldo
- Bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas sakay ng Barkong McCulloch
- Itinatag ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal
- Pagdeklara ng kasarinlan ng Pilipinas
- Pinalitan ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ang Pamahalaang Diktatoryal
- Pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos
Tayahin
- 6
- 8
- 1
- 10
- 5
- 9
- 4
- 2
- 7
- 3
Karagdagang Gawain
- Mahalaga ang pagkakabuo ng Saligang Batas ng Malolos dahil ang batas na ito ay naging saligan ng pagkakatatag ng isang republika.
- Ang pinakamahalagang nagawa ng Kongreso ng Malolos ay ang pagsulat ng Saligang Batas.
- Ang Pamahalaang Rebolusyonaryo ay uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng isang pangulo na may pitong sangay [?]. Dito ay napapailalim din ang isang Kongreso [?]. Layunin din ng Pamahalaang Rebolusyonaryo na ipagpatuloy ang pakikipaglaban para sa kalayaan [?].
- Ang Pamahalaang Diktatoryal ay uri ng pamahalaan na binuo nina Mariano Ponce at Aguinaldo upang ihanda ang Pilipinas para sa kasarinlan.
- Ang hangarin ni Aguinaldo sa Pilipinas ay ang kalayaang makapagsarili.
Sanggunian
Alvenia P. Palu-ay. Makabayan Kasaysayang Pilipino 5: Quezon City, LG & M Corporation, 2010, 126-132.
Estrelita B. Capiña and Gloria P. Barrientos. Pilipinas: Bansang Malaya 5 (Heograpiya, Kasaysayan at Sibika): Quezon City: SD Publications, Inc., 2000, 112-117.
Juan Alvin B. Tiamson. Pilipinas Serye ng Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika 6: Sampaloc, St. Augustine Publications, Inc., 2009, 186-187.
Rosario M. Santiago. Pilipinas Perlas ng Silanganan 6: Manila, Innovative Educatonal Materials, Inc. 2002, 148-153.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


Leave a Reply