Pamantayang Pangnilalaman:
- Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.
- Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
- Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan.
- Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto.
- Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.
- Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang uri ng media.
- Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan.
Pamantayan sa Pagganap:
- Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula ang isang isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan.
- Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu.
- Nakabubuo ng sariling diksiyonaryo ng mga bagong salita mula sa mga binasa; naisasadula ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto.
- Nagagamit ang nakalimbag at di-nakalimbag na mga kagamitan sa pagsasaliksik.
- Nakasusulat ng reaksyon sa isang isyu.
- Nakagagawa ng isang blog entry tungkol sa napanood.
- Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
a.) Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento
b.) Naipapahayag ang sariling opinion o reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan.
c.) Nagagamit ang pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
d.) Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon.
e.) Nasasagot ang mga tanong tungkol sa pinanood.
f.) Nababago ang dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto.
g.) Nakasusulat ng isang liham pangkaibigan.