Edukasyong Pangkalusugan 4 Kwarter 1 – Modyul 4: O Sakit, Layuan Mo Ako!

Isang masayang araw muli kaibigan!

Ang pagkain ng marumi at hindi ligtas na pagkain o inumin ay maaaring magdulot ng iba’t ibang karamdaman. Sa modyul na ito, aalamin natin ang mga karaniwang sakit na nakukuha sa maruming pagkain at ang mga sintomas nito.

Ang modyul na ito ay binubuo ng dalawang aralin:

Aralin 1- Mga Karaniwang Sakit na Nakukuha sa Maruming Pagkain

Aralin 2- Mga Pangkalahatang Palatandaan o Sintomas ng mga Sakit na Nakukuha sa Maruming Pagkain

Layunin ng modyul na ito ang mga sumusunod;

1. Natutukoy ang mga karaniwang sakit na nakukuha sa maruming pagkain (H4N-Ij-26); at

2. Nakapaglalarawan ng mga pangkalahatang palantandaan o sintomas ng mga sakit na nakukuha sa maruming pagkain (H4N-Ij-27)

health4_q1_mod4_OSakitLayuanAko_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment