Pamantayang Nilalaman (Content Standard)
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong Filipino.
Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo
Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies)
- Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo sa pamamagitan ng globo at mapa batay sa absolute location nito (longitude at latitude)
- Nagagamit ang grid sa globo at mapang pulitikal sa pagpapaliwanag ng pagbabago ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas batay sa kasaysayan
- Naipaliliwanag ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo