DepEd ALS Patnubay ng Guro Module 3: Ano ang Nais Mong Iparating?

Malugod na pagtanggap sa Learning Strand 1 Filipino ng Alternative Learning System (ALS) Junior High School Modyul para sa araling Mga Kuwento sa Likod ng Akda ng Pelikula.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong guro sa paaralan at ALS at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng ALS Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral sa ALS.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang guro/tagapagpadaloy sa ALS, inaasahan na maipaliwanag sa mga mag-aaral ang paggamit ng modyul na ito. Kinakailangan din na masubaybayan ang paglago ng mag-aaral sa kanilang pamamahala sa sariling pagkatuto. Higit sa lahat inaasahan din na iyong hihikayatin at gagabayan ang mga mag-aaral sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.

Sa tulong ng gabay na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

  • Naipaliliwanag ang pinagmulan ng salita (etimolohiya).
  • Natutukoy ang payak na salita mula sa salitang maylapi.
  • Natutukoy/nabibigyang kahulugan ang mga: matatalinghagang salitang ginamit sa pangungusap, kuwento, alamat, tula, pahayag na binasa.

Ang gabay sa sesyon ay inihanda para sa tatlong aralin na kalakip ng modyul na may paksang:

  • Aralin 1: Ang Etimolohiya ng mga Salita
  • Aralin 2: Ang Salitang-ugat at Paglalapi
  • Aralin 3: Mga Matatalinghagang Salita

Ang panimulang pagsubok ay ibibigay sa mga mag-aaral bago simulan ang unang aralin sa modyul. Maglaan ng ibang oras/araw sa pagsagot nito. Ito ay makikita sa bahaging Subukin Mo ng kalakip na modyul, pahina 3. Gayundin naman pagkatapos ng huling aralin, kailangang sagutin ang Pagtataya bilang panapos na pagsubok na nasa pahina 40. Ito ay hudyat na maaari nang magpatuloy sa susunod na modyul.

ALS Accreditation and Equivalency Program: Junior High School Learning Strand 1 Kasanayang Pangkomunikasyon sa Filipino

UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_SG03

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment