DepEd ALS Patnubay ng Guro Module 1: Mga Kwento sa Likod ng Akda at Pelikula

Malugod na pagtanggap sa Learning Strand 1 Filipino ng Alternative Learning System (ALS) Junior High School Modyul para sa araling Mga Kuwento sa Likod ng Akda ng Pelikula.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong guro sa paaralan at ALS at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng ALS Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral sa ALS.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang guro/tagapagpadaloy sa ALS, inaasahan na maipaliwanag sa mga mag-aaral ang paggamit ng modyul na ito. Kinakailangan din na masubaybayan ang paglago ng mag-aaral sa kanilang pamamahala sa sariling pagkatuto. Higit sa lahat inaasahan din na iyong hihikayatin at gagabayan ang mga mag-aaral sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

  • Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan at mga pangyayari sa napanood na maikling pelikula.
  • Natutukoy o nailalarawan ang mga elemento ng kuwento (tauhan, tagpuan at banghay) .
  • Nahuhulaan/ nahihinuha ang maaaring mangyari/ kahihinatnan ng mga pangyayari sa teksto/kuwento gamit ang dating karanasan/ kaalaman.
  • Nakapagbibigay ng wakas sa nabasang kuwento.
  • Nakasusulat ng buod/lagom ng binasa.

Ang modyul na ito ay binubuo ng tatlong aralin:

  • Aralin 1: Mga Elemento ng Kuwento
  • Aralin 2: Mga Elemento ng Pelikula
  • Aralin 3: Paghihinuha at Pagwawakas ng Kuwento

Paunang Pagtataya:

  • Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin Mo na matatagpuan sa pahina 3 hanggang 7. Ipaliwanag ang mga panuto upang masagutan nila ito nang wasto.

Huling Pagtataya:

  • Pagkatapos ng Aralin 1 hanggang Aralin 3, ipasagot sa mga mag-aaral ang Pagtataya na matatagpuan sa pahina 65 hanggang 67.

ALS Accreditation and Equivalency Program: Junior High School Learning Strand 1 Kasanayang Pangkomunikasyon sa Filipino

UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_SG01

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment