Araling Panlipunan 6 Unang Markahan – Modyul 5: Ang Deklarasyon ng Kasarinlan at Pagtatatag ng Unang Republika

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa ikaunlad ng iyong kaalaman. Sa modyul na ito iyong malalaman ang plano ng mga Amerikano laban sa mga Pilipno at Español. Matatalakay mo rin ang mga plano ni Heneral Emilio Aguinaldo sa pamahalaan nang magkausap sila ni Komador George Dewey, pinuno ng hukbo ng Amerikano na namagitan sa Pilipino at mga Español. Gusto mo bang malaman kung ano ang mga naganap na pangyayari bago ideneklara ang kasarinlan o ang pagiging malaya ng Pilipinas laban sa mga Español?

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang magawa ang sumusunod:

• Matutukoy ang mga detalyeng naganap bago napasinayahan ang Kongreso ng Malolos;

• Malalaman ang ganap na layunin ng Kongreso;

• Makakagawa ng timeline ng Himagsikang 1896 hanggang sa Pamahalaang Rebolusyonaryo 1898;

• Matatalakay ang mga layunin ng Saligang Batas na ipinatupad sa ilalim ng Republika ng Pilipinas; at

• Napapahalagahan ang Saligang Batas na unang ginawa ng Kongreso ng Malolos na siyang kauna-unahang batas na ipinatupad sa pagdeklara ng kasarinlan ng Pilipinas.

AP6_q1_mod5_ang-deklarasyon-ng-kasarinlan-at-pagtatatag-ng-unang-republika_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment