Pamantayang Pangnilalaman:
- Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.
- Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
- Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan.
- Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto.
- Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.
- Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang uri ng media.
- Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan.
Pamantayan sa Pagganap:
- Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula ang isang isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan.
- Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu.
- Nakabubuo ng sariling diksiyonaryo ng mga bagong salita mula sa mga binasa; naisasadula ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto.
- Nagagamit ang nakalimbag at di-nakalimbag na mga kagamitan sa pagsasaliksik.
- Nakasusulat ng reaksyon sa isang isyu.
- Nakagagawa ng isang blog entry tungkol sa napanood.
- Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
a.) Nakasusunod sa panuto.
b.) Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan.
c.) Nagagamit ang pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
d.) Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng kayarian nito.
e.) Naisasalaysay nang may wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa nabasang tekstong pang-impormasyon.
f.) Nagagamit ang card catalog sa pagtukoy ng aklat na gagamitin sa pagsasaliksik tungkol sa isang paksa.
g.) Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay.